TODAS ang isang babae matapos mahagip at magulungan ng rumaragasang trailer truck Lunes ng gabi sa Malabon City.
Hindi na umabot ng buhay sa Tondo Medical Center sanhi ng matinding tinamong pinsala sa katawan ang biktimang si alyas “Alaiza”, 26, at residente ng Sitio 6, Brgy. Catmon.
Ayon sa rumesponding sina P/MSg Bernardo Bernal at P/MSg Raymond Siatrez ng Malabon Police Sub-Station 4, dakong alas-6:15 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Gov. Pascual Avenue, Brgy. Catmon.
Lumabas sa imbestigasyon na habang nagalakade ang biktima sa nasabing lugar nang mahagip ito at magulungan ng rumaragasang trailer truck na may plakang NDJ5017.
Matapos ang insidente, isinugod ang biktima sa nasabing pagamutan nang nagrespondeng rescuers ng Malabon Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) subalit, idineklarang dead on arrival,
Nadakip naman ng pulisya ang driver ng trailer truck na si alyas “Rodolfo”, 56, residente ng J.P. Rizal St. Tondo Manila na mahaharap sa kaukulang kaso habang na-impound na rin ang tractor head at hila nitong trailer na walang laman. (JUVY LUCERO)
