Bakit ba hanggang ngayon mga Cabalen, hindi pa din kinakastigo ng COA ang mga opisyal ng MBHTE, kahit pa napatunayang nagnakaw ang mga ito ng mahigit sa 2 bilyong piso mula sa pondo ng BARMM noong 2025.
Natapos ang imbestigasyon at napatunayang pinagnakawan ng P2.2 B ang kaban, buhat sa sariling imbestigasyon ng COA, pero tali yata ang mga kamay nito at hanggang ngayon ay hindi pa napaparusahan ang mga mandarambong.
Maging ang Palasyo ay hindi nakikialam para masintensyahan na ang grupo ng MBHTE at tuluyang papanagutin sa paglustay ng pondo ng BARMM.
Nakagapos din ba ang mga kamay ng Malakanyang, tengang kawali o dedma lang?
Baka naman, may hinihintay pa ang pamahalaan para may ayusin at mawala na parang bula ang kaso gaya ng madalas na nangyayari?
Maliwanag pa sa sikat ng araw na pinagplanuhan ang pagnanakaw sa kaban. Hindi pa nasiyahan sa naunang inilabas na mahigit isang bilyon sinundan pa ito ng panibagong P500,000.00.
Bulag-bulagan? Nakinabang na kaya nabusalan kaya? Wala ng sumunod na aksyon?
Pekeng certification ang ginawa ng opisyal ng MBHTE kahit kulang-kulang ang procurement documents?
Tapos hanggang ngayon hindi pa nakakastigo ang Deputy Minister at mga opisyales nito!
Tragis na yan! Binayaran ng finance division ang supplier at napag-alamang may basbas pa ng Minister?
Paldong-paldo ang bulsa ng mga nasa likod mega-raket na ito di ba?
Mukhang dedma pa din ang pamunuan ng MBHTE kahit pa sinampahan na ng kaso? Ano Pangulong Bongbong Marcos? Baka hindi makapagluto ng tone-toneladang pansit ang mga teachers kung hindi mareresolbahan ang kaso ng pandarambong. (Ayok Cabiling)
