Mahigit 12,000 guro at education leaders ang nagtipon sa SM Mall of Asia Arena para sama-samang ipagdiwang ang National Teachers’ Day — isang pagpupugay sa mga bayani ng edukasyon!
Naging sentro ng pagdiriwang ng National Teachers’ Day ang libu-libong guro mula sa iba’t ibang panig ng bansa sa ginanap na culminating activity sa SM Mall of Asia Arena, kung saan pinarangalan ng Legazpi Savings Bank (LSB), isang subsidiary ng Bank of the Philippine Islands (BPI), ang mga itinuturing na haligi ng edukasyon at tagapagpatibay ng kinabukasan ng kabataang Pilipino.
Pinangunahan ng Department of Education (DepEd) sa ilalim ng pamumuno ni Secretary Juan Edgardo “Sonny” Angara, ang selebrasyon ay may temang “My Teacher, My Hero” at dinaluhan mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang pangunahing tagapagsalita.
Ayon kay Jerome Minglana, Pangulo ng LSB, ang tema ng kanilang partisipasyon ay “Teacher, ikaw naman ngayon,” isang mensaheng pasasalamat at pagkilala sa sakripisyo ng mga guro.
“This goes beyond LSB—it reflects the collective heartbeat of BPI and the Ayala Group, coming together with gratitude and purpose to honor those who have devoted their lives to teaching and nurturing generations,” ani Minglana.
Suporta sa mga guro sa pamamagitan ng serbisyong pinansyal
Binigyang-diin din ng LSB ang kanilang pangmatagalang adbokasiya sa pagpapaunlad ng kapakanan ng mga guro sa pamamagitan ng mga serbisyong pinansyal na mas mabilis, simple, at maaasahan.
Sa pamamagitan ng isang audio-visual presentation, ipinakita ng bangko kung paanong ang kanilang mga programa ay nakatutulong sa mga guro na mapangasiwaan nang mabuti ang kanilang pananalapi upang makapagpokus sa pagtuturo at paghubog ng mga kabataan.
““Our goal has always been to provide teachers with faster, simpler, and more reliable financial services to empower the teachers to achieve their goals and aspirations. Through these efforts, we hope to give back to those who continue to help shape dreams and build futures,” dagdag pa ni Minglana.
Mas pinatatag na ugnayan sa DepEd
Sa buong taon, pinalawak ng LSB ang kanilang pakikipag-ugnayan sa DepEd sa pamamagitan ng iba’t ibang proyekto at inisyatibo, kabilang ang:
- Pag-donate ng mga laptop upang mapaunlad ang digital learning (Pebrero 2025)
- Pagsuporta sa Palarong Pambansa sa Ilocos Norte (Mayo 2025)
- Paglahok sa Brigada Eskwela sa iba’t ibang rehiyon (Hunyo 2025)
- Pagdiriwang ng National Teachers’ Month sa Mindanao (Koronadal) at Visayas (Dumaguete)


Kasama ang BanKo, BPI AIA, at iba pang yunit ng BPI tulad ng Consumer Banking, Digital Platform (VYBE by BPI), pati mga kumpanya ng Ayala Group gaya ng AC Health, GCash, Avida, Amaia, ACEN, AC Logistics, at Globe, nagtayo ang LSB ng mga booth, laro, giveaways, at raffle prizes bilang espesyal na handog para sa mga guro.

“By partnering with DepEd and our colleagues in BPI and the Ayala Group, we are not only celebrating teachers but also giving them meaningful support,” ani Elfren “Boyie” Sarte, Chairman ng LSB.
“This is a testament to our collective commitment to nurture those who nurture the nation, in line with our vision of building a better Philippines—one family, one school, one community at a time.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga programa ng LSB, maaaring bisitahin ang www.legazpibank.com.ph. (MINA PADERNA)
