April 28, 2024

LOS ANGELES CLIPPERS, NILUSAW ANG 25 POINT LEAD NG UTAH JAZZ AT INEKTAD ANG RITMO NITO SA GAME 6, 131-119

Nilusaw ng Los Angeles Clippers ang 25 point lead ng Utah Jazz na tangan sa first half. Mula rito, bumuwelta ang Clippers at sinilat ang no. 1 seed sa iskor na 131-119 sa Game 6 ng West semis.

Tinapos ng Clippers ang serye sa 4-2 at umabanse na sa kanilang first ever Conference finals.

Bumida si Terence Mann sa panalo ng Clippers. Naglista si Mann ng 39 points. Nag-ambag naman si Paul George ng 28 points, 9 boards at 7 assists.

Sa panig naman ng Jazz, gumawa si Donovan Mitchell ng 39 points, 9 assists at 9 boards. Si Jordan Clarkson naman ay kumana ng 27 points, 10 assists at 3 boards.

Makahaharap ng Clippers ang Phoenix Suns sa Western Conference Finals.

Sa iba pang laro, rumesbak ang Philadelphia 76ers sa Atlanta Hawks sa iskor na 104-99. Bumida sa panalo ng 76ers si Seth Curry.

Naglista si Curry ng 24 points. Habang si Tobias Jaris ay kumana ng 24 points, 5 boards at 2 asssists. Si Joel Embiid naman ay nag-ambag ng 22 points, 13 boards at 2 blocks.

Bumira naman para sa Hawks si Trae Young ng 34 points, 12 assists at 5 boards.