May 2, 2024

AIKO MELENDEZ AT ARJO ATAYDE, TULOY ANG TAKBO SA KYUSI

Iwas pusoy nga ba si Aiko Melendez kay Arjo Atayde dahil sa pagkakaroon nila ng common denominator?

Ang balita kasi ay pareho silang tatakbo sa isang posisyon. Pero mukha namang hindi magkakaroon ng banggaan sina Arjo at Aiko.

Kung magkakaroon nang banggaan, pwede naman si Aiko na tumakbo bilang konsehal sa dati niyang distrito.

Hindi kami magkakaroon nang banggaan, dahil ako ay sa District 5 ng Quezon City tatakbo bilang Congresswoman. Kinausap ko na nga si Ms. Sylvia Sanchez, at sinabi nga niya nasa District 1 ng Kyusi tatabo ang kanyang anak na si Arjo. Sayang kasi dahil last election ay hindi ako tumakbo, dahil nag pokus ako sa pagtulong sa political career ng aking boyfriend na si Jay Khonghun bilang VG ng Zambales,” sabi ni Aiko.

Ngayon naman ay tuloy na tuloy na ako sa aking pagtakbo bilang Congresswoman ng District 5 ng Quezon City. Gusto ko muling paglingkuran ang aking mga kababayan, matagaltagal din naman akong nahinto, kaya heto lalaban uli ako at para iyan sa aking mga kababayan sa Distric 5 ng Kyusi,” kwento pa ni Ms. Melendez.