May 17, 2024

POKWANG, UMALIS SA DOS DAHIL ‘DI NAIBIGAY ANG INILATAG NA MGA PROJECTS

Taong 2019 pa raw balak lumipat ni Pokwang sa GMA-7 upang di mawala sa limelight. Pero, naudlot dahil naabutan na nga ng pandemya.

Kung noon daw ay hindi nagkaroon nang kaganapan iyong mga project na inilatag nila kay Pokwang.

Dahil sa may iba silang inaasikaso ay nauunawaan naman ng actress-comedian iyon.

Ang dahilan kasi andami na namin, kaya iyong project na inilatag sa akin ay hindi pa matuloy dahil marami pa kasi silang mga inaayos. May project naman talaga, pero sa dami naming artista ay talagang medyo waiting pa rin ako kung matutuloy pa o hindi na,” ani Pokwang.

Hindi na ako bumabata, kaya nagdesisyon na rin akong magpaalam sa kanila. Isa pa pandenya ngayon, halos marami sa amin ang nawalan nang trabaho. Natapos naman na ang trabaho ko sa TV5. Mabuti naman at nakalipat na ako sa GMA-7,” pagtatapos pa nito.