May 18, 2024

LIZQUEN, ‘DI LILIPAT SA IBANG NETWORK

SIMULA nang mag-shutdown ang ABS-CBN, nakaabang na ang ibang network at companies kung sino sa mga talents nila ang pwedeng lumipat sa kanila? Isa sa kanilang gustong makuha ay ang tambalang Liza Soberano at Enrique Gil, dahil malakas ang hatak nito sa mga manonood.

Usap-usapan nga na ang LizQuen love team ay mukhang sa GMA-7 na lilipat at hindi daw sa TV5, dahil kayang-kaya nila itong alagaan at bigyan ng malalaking project para muling maibalik sila sa pedestal na kanilang kinalalagyan.

Medyo kabado ang LizQuen, na hindi sila safe kung ibang network ang tatangkain nilang mangasiwa sa kanilang love team. Samantalang kung ang ABS-CBN ang mananatiling magma-manage sa kanilang love team, hindi sila magkakaroon ng pagaalinlangan sa lagay ng kanila showbiz career.

Kahit na cancelled ang kanilang prime time teleserye na ‘Make It With You,’ dahil sa pandemic. Hindi ito naging dahilan, para iwan nila o magkaroon ng switching as of the moment.

“Isa ang LizQuen sa hindi binibitawan ng ABS-CBN. As per Tita Cory Vidanes nung nakausap ko ay gumagawa naman sila ng paraan kung paano nila maitatawid yung mga loveteams na prinoprotektahan nila at yung sini-secured talaga nila alam naman natin KathNiel nariyan at LizQuen nariyan rin. Last week may pinitch sa amin na movie si inang Olive Lamasan for Star Cinema at excited yung dalawa gawin yung movie,” saad ng kanilang manager na si Ogie Diaz.

So, malinaw na walang lipatang mangyayari. Ang LizQuen love team ay mananatiling loyal sa ABS-CBN, kahit pa nagsara na ang kanilang network. Magiging busy na ang LizQuen, dahil naghahanda na sila sa pelikulang kanilang gagawin na ang magdidirek naman ay si Cathy Garcia-Molina bukod pa iyong naunang plano.