May 14, 2024

LIZ CAMBAGE NG WNBA, HINDI MAGLALARO SA AUSTRALIA WOMEN’S BASKETBALL

Hindi maglalaro si WNBA player Liz Cambage sa Team Australia para sa Tokyo Olympics. Ayon sa Aussie basketeer, worried siya sa kanyang mental problems.

Inamin ng Las Vegas Ace star sa social media na may mental health problems siya. Aniya, ayaw niyang mahawa ng virus sa ‘bubble Olympics’. Isa pa, ayaw niyang maglaro ng walang audience. Lalo na ang kanyang mga fans, pamilya at mga kaibigan.

Kaya, labis siya nababagabag dahil sa pananalasa ng pandemya. Kaugnay nito, nirespeto naman ng Australian Olympic Committee (AOC) ang pasya ng 2021 WNBA All-Star.