May 3, 2024

KEVIN LOVE AT BRADLEY BEAL, PINALITAN NINA MCGEE AT JOHNSON SA TEAM USA

Nagwithdraw si Kevin Love sa Team USA para sa Tokyo Olympics. Si Bradley Beal naman ay di na rin maglalaro dahil sa safety health protocols.

Dahil dito, kumilos ang USA basketball para punan ang nawalang rosters. Isinalang ng team sina JaVale McGee ng Denver Nuggets.

Gayundin si Keldon Johnson ng San Antonio. Silang dalawa ang naging replacement sa pagkawala nina Love at Beal.

Samantala, hindi naman pinaalam ni Kawhi Leonard ang kanyang surgery sa tuhod. Nagulat ang kanyang team na Los Angeles Clippers dito. Isa pa, may nilulutong trade sa pagitan ng Clippers at Houston Rockets.

Kinuha naman ng Washington Wizard si Wes Unseld Jr bilang new head coach ng team.