July 19, 2024

LIBO-LIBONG PASAHERO DAGSA SA NAIA

Libo-libongĀ  mga Pinoy balikbayan, OFWs at mga turista ang nagsidatingan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Halos nahihirapan na rin ang ilang balikbayan sa paghihintay ng mga pushcart na gagamitin para lagyan ng kanilang mga bagahe sa dami ng pasaherong dumarating sa terminal ng paliparan.

Gayunman, ligtas ang mga pasaherong dumarating at umaalis sa NAIA kung may mga salisi gang at iba pang kriminal ang pag-uusapan dahil dinoble ang mga security personnel nito.