May 17, 2024

LeBron, inasar si Trump sa isang pinost na meme sa kanyang Instagram account

Nagpahayag ng kanyang saloobin si Los Angeles Lakers star LeBron James kaugnay sa pagkapanalo ni Joe Biden sa US elections.

Ibinahagi ni James ang caption-less Instagram post. Kung saan makikita ang isang edited throwback meme.

Makikita sa meme ana sinupalpal ni Biden si Trump na nagtangkang magbuslo ng bola. Maliwanag na inaasar ni James si Trump sa pagkatalo nito.

Naging viral ang meme, na ibinahagi ng ilang sports media outlets sa US. Naging reperensiya nito ang NBA finals history noong Game 7 noong 2016.

Kapwa tied noon ang Cleveland at Golden State sa 89. May 2 minuto na lang ang nalalabi, na-rebound ni Igoudala ang bola nang magmintis ang tira ni Irving.

Hinabol ni James si Igoudala at nasupalpal nito ang tangkang lay-up ng una. Kaugnay sa post ni LeBron, nagkomento rito ang ilang celebrities.

Kabilang na rito sina Kevin Hart, Jamie Foxx at Snoop Dogg. Nagkomento rin ang lkapwa niya NBA players dito.

Sa ngayon ay mayroon nang 5.2 million likes ang post sa Instragram at milyon din ang likes sa Twitter.