Inurong ng ibang petsa ang laro ng Banko Perlas at Cignal HD Spikers sa opening ng PVL Open Conference. Ito ay dahil sa hindi inaasahang precautionary measures.
Nirekwest ni Ilocos Norte Governor Matthew Manotoc na ikansela muna ang second game ng triple-header ngayong araw.
Aniya, dapat na ang mga players ng Perlas ay dapat makakuha ng negative RT-PCR result. Sa gayun ay makalaro na sila sa competition.
Kailangan aniya ito kahit na ang 16 members ng Perla’s contingent ay negative sa RT-PCR tests. Ito’y bago pa sila tumulak ng Laoag at nitong Huwebes.
“This is just a precautionary measure set by the Ilocos Norte LGU,” ani commissioner Tonyboy Liao.
“We will be postponing the game between Perlas and Cignal to a later date,” aniya.
Nitong nakaraang June, 7 players at isang coach ang nagpositibo sa coronavirus sa team. Ito’y noong kanilang training camp sa St. Vincent Gym sa Naguillan Road, Baguio City.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2