May 12, 2024

CHRIS PAUL, BINILI ANG MANSYON NG SINGER NA SI AVRIL LAVIGNE SA HALAGANG $9 MILLION

Noong ikinasal Chris Paul ng Phoenix Suns sa kanyang college sweetheart na si Jada Crawley noong September 10, 2011, nagkaanak siya rito ng dalawang lalaki.

Sila ang nanirahan sa Mediterranean-style mansion sa Bel-Air na binili ni Paul sa singer na si Avril Lavigne sa halagang $8.5 milyong dolyar noong 2012.

Kasunod nito, ang kanyang pamilya ay lumabas sa Family Feud. Isa ring debotong Kristiyano si Paul. Katunayan, dumadalo siya sa simbahan kada Linggo sa abot ng kanyang makakaya.

Bukod sa basketball, nahilig rin si Paul sa paglalaro ng bowling at may prangkisa sa Professional Bowlers Association ( PBA) League na tinatawag na L.A.X.

Nagpapaliga rin siya ng bowling kung saan sangkot ang Hollywood celebrities at youuth bowling events. Na inorganisa ng kanyang CP3 Foundation na tumulong noon sa mga naapektuhan ng Hurricane Katrina.

Siya rin ay minority owner ng Winston-Salem Dash, isang minor league baseball team sa kanyang hometown.