May 12, 2024

KEVIN DURANT AT BLAKE GRIFFIN, TUMIKIM NG PORNSTARS, KAYA PALA MINALAS ANG BROOKLYN NETS

(SPORTS SPECIAL REPORT)

Kaya pala minalas ang Brooklyn Nets dahil sa isang intimate secret ni Kevin Durant. Gayundin si Blake Griffin. Ang dalawa ay nagkaroon ng kaugnayan sa mga adult performers o pornstar.

At ang sikertong ito ay ibinunyag ng isang pornstar. Ayon sa pornstar na si Liza Ann, nagkaroon sila ng intimate moments ni Durant.

Sa mismong bahay nito ay may nangyari sa kanila.Ayon na rin sa rebelasyon nito sa Mad Dog Sports Radio Sirius XM.

Ayon sa pornstar, dahil isa sa followers niya si Durant sa Twitter, inimbitahan niya ito sa bahay. Ugali kasi ni Ann na mag-imbita ng isang player mula sa koponang nagkampeon. Pagkatapos ay hahandugan niya ng tinatawag na ‘Home Cook Meal’,


Na ipagluluto ng masarap ang player at pakakainin kasama ang salad. Na sa isang term ay alindog ng babae. Siyempre, hindi mawawala ang sex. Kusang loob raw iyon ng pornstar at walang involved na pera. Nagpaunlak naman si Durant at nanahimik kaugnay dito.

Ayon pa sa pornstar, pinaghain niya ng salad, salmon at kanin ang NBA player nang magtungo ito ng alas 8:00 ng gabi sa bahay niya sa Los Angeles.

Nang kumalat ang rebelasyon ni Ann, nagulat ang pornstar nang i-infollow na siya ni Durant. Sa isyu naman ni Griffin, ibinunyag ng adult performer na si Teanna Trump na naging costumer niya ang Nets power forward. Naging girlriend ito ng cager. Pero, kalauna’y naghiwalay din sila.