May 16, 2024

Lalo raw yumabang at naging mapanghusga… MGA KASAMAHANG ARTISTA NA LUMIPAT SA IBANG TV STATION, ININSULTO NI VICE GANDA

GRABE naman itong si Vice Ganda, ininsulto niya ang kanyang mga kasamahang artista dahil lumundag ito sa ibang TV station. Dapat nga siya ang nakakaunawa sa mga ito, dahil ang hangad lamang nila ay makapagtrabaho. Para may maipangtustos sa kanilang pamilya, na kanilang binubuhay.

Ano ba raw ang gustong palabasin ni Vice, kung maka-insulto siya ay wagas.

Simula ng nag-umpisa na siya sa A2Z TV Station, yumabang na itong si Vice. Kung makapang-insulto at makabira siya sa mga kasamahang artista ay grabe. Kung tutuusin kaya lamang nagsilipat ang mga artista ng ABS-CBN, dahil gusto lamang nilang maisalba ang kanilang mga pamilya. Pero mukhang hindi iyon nauunawaan ni Vice, dahil ininsulto pa niya ang mga ito.

Huwag niyang ikumpara ang sarili niya, dahil siya kahit abutin nang matagal ay pwede siyang kumain dahil isa na siyang bilyonaryo na malaki ang kinikita. Kumpara sa mga artistang, umaasa lamang sa kanilang mga trabaho na nawala pa kaya sila nagsilipat. Sana raw tumahimik na lamang siya o kaya’y unawain na lamang niya ang mga kasamahan niya.