April 29, 2024

LALAKI NA HINIWALAYAN NG MISIS, NAGBIGTI



ORONADAL CITY – Usap-usapan sa ngayon ang ginawang pagsunog ng magkakamag-anak sa isang bahay sa Surallah, South Cotabato, na naging saksi sa pagpapakamatay ng mag-ina.

Ayon  kay Kapitan Anthony Baladjay ng Barangay Lamsugod sa nabanggit na bayan, natakot ang isang pamilya sa kanilang lugar na maulit pa ang suicide incident dahil sa nabanggit na bahay ng pamilya Oro kung saan sunurang nag-suicide ang mag-ina.

Ang pinakabagong insidente ng pagpakamatay ay ginawa ng isang mister na iniwan umano ng kanyang asawa.

Kinilala ang biktima na si alyas Jepoy, residente ng nasabing lugar.

Gumamit umano ng twine sa pagbigti si Jepoy sa sala ng kanilang bahay kung saan doon din nagbigti ang kaniyang ina, limang taon na ang nakakaraan.

Napag-alaman na pangalawang beses na nagtangkang magpakamatay ang biktima bago natuluyan.

Naulila nito ang limang taong gulang niyang anak sa nakahiwalayang misis.