April 28, 2024

Lakers, sumampa na sa NBA finals matapos papakin ang Nuggets sa Game 5, 117-107.

Sumampa na sa NBA finals ang Los Angeles Lakers. Pinapak ng Lakers ang Denver Nuggets, 117-107 sa Game 5 ng Western Conference finals.

Napigil ng Lakers ang pagtatangka ng Denver na ikasa ang third comeback from behind sa 1-3 deficit sa series.Nanguna sa panalo ng Lakers si LeBron James na gumawa ng 38 points, 16 boards at 10 assists.

We’re going to enjoy it tonight, but we understand we’ve got bigger fish to fry,” ani James.

 “We understand there’s a bigger goal.”

Naitala rin ni James ang 15-0 record sa conference finals sapol nang maglaro siya sa NBA.

Nag-ambag naman si Anthony Davis ng 27 points, 5 boards at 3 assists.Nag-ambag naman ng tig-11 points sina Danny Green at Kentavious Caldwell-Pope.

Sa panig naman ng Denver, naglista si Jeremy Grant ng 20 points at 9 boards. Umasiste naman si Nikola Jokic ng 20 points at 7 rebounds.

Samantala, bumuslo naman si Jamal Murray ng 19 points at 4 rebounds.Dikit lang ang laro sa first half. Ngunit, lumamang ang Lakers ng 16 points sa third quarter.

Subalit, nahabol ito ng Denver sa end ng quarter, 87-84. Pagsapit ng fourt, umalagwa uli ang Lakers.

Muling tumuntong ang Lakers sa finals makalipas ang 10 taon. Kung saan, nagkampeon sila kontra Boston Celtics.