May 1, 2024

LAKERS, NILUNOD ANG ORLANDO MAGIC

Nilunod ng Los Angeles Lakers ang Orlando Magic, 116-105. Bumida sa panalo si LeBron James na bumira ng 29 points, 7 boards at 5 assists. Nag-ambag naman si Carmelo Anthony ng 23 points at 3 rebounds.


Habang si Russell Westbrook naman ay kumana ng 18 points at 11 rebounds. Rumatsada sa 1st quarter ang Lakers. Ngunit nahabol ng Magic sa itinalang 11-4 run.


Palitan ng 11 plus lead changes ang dalawang team sa 2nd quarter. Pero, nakaungos ang Orlando. Nakabawi ang LA sa third at nalamangan ang Magic.


Nabitbit nila ito hanggang 4rth quarter. Maganda ang opensa ng Lakers lalo na hot shooting ni Anthony. Inalat naman ang opensa ng Magic, dahian upang mabaon sila sa 14 point deficit. Naalagaan ng tropa ni coach Frank Vogel ang lamang. Kaya, hindi na nakahabol pa ang Orlando.