
Umapaw na ang La Mesa Dam bunsod ng naranasang malakas na buhos ng ulan sa Metro Manila at sa mga kalapit na lalawigan sa magdamag.
Ayon sa Manila Water, 5:00 ng umaga ng Miyerkules (Aug. 28) ay nasa 80.20 meters na ang water level ng La Mesa Dam.
Ang tubig na nagmumula sa dam ay maaaring makaapekto sa mababang lugar sa Quezon City, Valenzuela at Malabon.
Pinag-iingat ang mga residente sa mabababang lugar lalo na ang mga naninirahan malapit sa river banks.
Ayon sa PAGASA, ang mararanasang pang pag-ulan ay maaaring magdulot ng pagtaas ng water level sa Tullahan River.
More Stories
Inflation Maaaring Lumampas sa 5% Dahil sa Mahal na Langis at Mahinang Piso
Cone, Ginebra Handa sa Matinding Laban vs SMB sa Semis
ASG member patay sa shootout sa Zamboanga City