ANG TAGAPANGULO ANG MGA MAG-AARAL AT LOKAL NA KAWANI SA BORACAY
PITAK FILIPINO
Ni Socrates L. Pimentel
PINANGUNAHAN ni Atty. Marites A. Barrios-Taran, Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF, itinatag 1936 at nireporma 1991), ang kalagayan ng Wikang Inati sa pamayanan ng mga Ati sa isla ng Boracay nakaraang 18 Abril 2026 Sabado. Naging katuwang sa gawain sina Fultaym Komisyoner Carmelita C. Abdurahman at Vice Mayor Philip Y. Kimpo Jr. ng Kalibo, Aklan.
Sa kaniyang mensahe ay binigyang diin ng tagapangulo ang pakikipamuhay at direktang pagtungo sa mga pamayanan upang higit na maunawaan ang kalagayan ng katutubong wika.
BASAHIN: QC inilunsad ang ‘QCitizen Data: Resibo ng Serbisyo’ para sa transparency sa mga proyekto
Layunin ng opisyal na pagbisita ay ang matiyak ang suporta ng lokal na pamahalaan sa maayos na ugnayang isasagawa ng Sangay ng Lingguwistika, Promosyon, at Publikasyon ng KWF para sa gawaing dokumentasyon ng Wikang Inati upang maiwasan ang tuluyang pagkawala nito at mapanatili ang mayamang kultura ng mga Ati sa gitna ng mabilis na modernisasyon sa isla.
Ang KWF ay nagkaloob ng mga aklat at kagamitang pampaaralan para sa mga mag-aaral at kasapi ng pamayanan bilang pagsuporta sa kanilang edukasyon. Ang gawain sa Boracay ay bahagi ng serye ng inisyatiba ng KWF sa lalawigan ng Aklan, na nagpapatunay sa masiglang kampanya ng komisyon para sa pangangalaga ng mga rehiyonal na wika sa bansa.
Pagbati sa Komisyon sa Wikang Filipino sa matagumpay na gawain!
