Isang malaking realidad ang kinakaharap ngayon ng mga ka-Berdugo natin diyan sa San Jose del Monte, Bulacan.
Ang tinutukoy natin ay ang transition o pagpapalit mula sa dating kinaiinisan at sablay na serbisyo ng PrimeWater—na binansagan na nga ng masa na “Crime Water” dahil sa maduming tubig at matagal na kawalan ng supply—patungo sa isang mas may karanasang water utility company.
At sa anumang malaking pagbabago, natural lang na magkaroon ng panandaliang technical difficulties.
Ilang taon ding nagtiis ang mga barangay sa dumi, burak, at tuyong gripo. At linawin lang natin, mga ka-Berdugo, para sa kaalaman ng lahat na ang water distribution po ay hindi sakop ng kapangyarihan ng Mayor’s Office. Ang mga water district ay pinatatakbo ng national agency at ng pribadong provider. Get’s ninyo po ba?
Ngunit dahil ayaw na niyang tiisin pa ng kanyang mga kababayan ang hirap, gumawa ng matatag na desisyon si Mayor Ate Rida Robes na aksyunan at palitan ang distributor para gumaan ang buhay sa SJDM. Dahil alam natin bilang Pilipino na mawalan ka na ng kuryente, huwag lang ng tubig! Tumpak!
BASAHIN: PRIMEWATER, NAGPALIT NG PANGALAN PERO BULOK PA RIN ANG SERBISYO? ARAYKUPO!
Alam ng nakararaming residente ng San Jose Del Monte ang totoong sitwasyon. Sa paglipat sa mas magandang serbisyo, lalabas at lalabas ang mga nakagawiang lumang problema sa linya ng tubig. Kaya naman nakiusap si Mayor Ate Rida ng kaunting pasensya.
Hindi ito magic. Walang magic wand ang naturang ale para sa isang iwasiwas lang ay biglang lalabas ang malinis na tubig sa libu-libong kabahayan. Kailangan ho nito ng tamang proseso, suporta, at pag-unawa ng taumbayan.
Bakit tayo naniniwalang magtatagumpay ito? Tignan niyo na lang ang San Jose del Monte sampung taon ang nakararaan kumpara ngayon—mula sa simpleng bayan, naging isa na ito sa pinkamaunlad at pinakamabilis na umangat na lungsod sa buong lalawigan ng Bulacan.
Kung nagawa nilang paunlarin ang buong lungsod, kayang-kaya ring ayusin ng kasalukuyang pamunuan ang problema sa tubig.
Kaya naman doon sa mga nagtatangkang sumakay at sumira sa mahusay na pamamahala ni Mayor Ate Rida—kumalma kayo! Huwag ninyong paypayan ang galit ng taumbayan laban sa isang alkaldeng ginawa ang lahat para lang maalis ang dambuhalang problema sa tubig.
Lalo na rito kay Konsehala Poordan—madam, huwag muna tayong mag-astang celebrity, ah? Malayo pa po ang 2028! Walang maidudulot na mabuti ang pamumulitika habang ang ilang barangay ay nagdurusa sa kawalan ng tubig. Kung sa bagay, kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Aysus!
Mas kailangan ngayon ng mga taga-San Jose ang makabagong solusyon at pakikiisa. Sa tagal ng problema sa tubig noon, ngayon lang kayo nagpapakitang-gilas? Sa haba ng panahon, wala man lang kayong naisip na kahit isang solusyon! Nalintikan na!
Pasintabi lang, Madam Poordan, pero panahon ngayon para pagbuklurin ang bayan, hindi para makipag-away at mambuwisit kay Mayor Ate Rida. Kung wala ka nang naitutulong sa krisis, huwag ka nang maging pabigat pa sa mamamayan. Ang kailangan ng SJDM ngayon ay malinis na tubig at pagkakaisa, hindi pulitikong naghahanap ng maagang exposure. Yun lamang po!
