May 14, 2024

Korina Sanchez pasok sa TV5

LUMIPAT na ang beteranang broadcaster na si Korina Sanchez sa TV 5 matapos ang mahigit sa tatlong dekadang pananatili sa ABS-CBN.

Ito ang opisyal na inanunsiyo ngayong Oktubre 7 matapos pumirma ng kontrata kasama ang Brightlight Productions.

Sa video na ipinost sa Facebook ng News5, sinabi ni Sanchez na ang kanyang long-running magazine show, ay tatawaging Rated Korina, na mapapanood sa Kaptid network sa Oktubre 24.

Ang naturang programa ay kabilang sa mga show na hawak ng Brightlight Production, ang kumpanyang pinamumunuan ni dating Negros Occidental Representative Albee Benitez.

“It hasn’t been really that long that’s why I feel very very blessed that I didn’t have to wait so long for me to come out again on free TV,” ayon kay Sanchez.

“There are familiar faces, people I’ve worked with all these years in journalism, broadcasting. Parang tuloy lang ang ligaya,” dagdag pa niya.

Nagsimula ang career ni Sanchez sa ABS-CBN noong 1986, na nawalan ng trabaho matapos mabigo ang ABS-CBN Corporation na makakuha ng panibagong prangkisa,

Recently, ibinigay na ng ABS-CBN kay Korina ang Rated K kaya siya na ang producer nito ngayon na napapanood sa Facebook sa titulong Rated Korina.

Ang ilang pa sa mga show ng Brightlight Production na mapapanod sa TV5 ay ang Sunday Noontime Live na idinirek ni Johnny Manahan at ang host nito ay sina Catriona Gray at Piolo Pascual, Sunday Kada, at Lunch Out Loud.