May 19, 2024

KATHRYN BERNARDO NIREGALUHAN NG MOTORSIKLO NI ALDEN

SIGN of friendships daw ni Alden Richards, iyong motorcycle na niregalo niya kay Kathryn Bernardo. Nilinaw ni Alden na magkaibigan lang naman daw sila ni Kathryn Bernardo, at kaya tinanggap iyon ni Kathryn.

“Nuong una tinanggihan niya talaga, ipinaliwanag ko at pinilit kong tanggapin niya iyong motorcycle na niregalo ko para sa kanya. Walang ibang meaning iyon, kasi nga bibigyan na naman nila ng ibang pakahulugan iyong regalo kong motorcycle sa kanya kaya nag-doubt siyang tanggapin.

“Kaya ko naman siya niregaluhan ng motorcycle, kasi gusto ko naman niyang ma-enjoy iyong mga araw na libre siya. Para naman makapag aliw siya sa kanilang lugar, at kahit papaano ay sumaya siya.” Sabi pa ni Alden Richards.

“Naglalaro pala ang halaga ng nasabing motorcycle sa P200,000, at kita niyo naman na ang ganda ng dating. Isang sign na rin iyan, para tuluyan nang maka-move on si Kathryn Bernado sa hiwalayan nila ni Daniel Padilla,” kwento pa ng aking source.