May 12, 2024

SARAH LAHBATI, WALANG BALIKANG MAGAGANAP SA KANILANG DALAWA NI RICHARD GUTIERREZ

KAHIT na lumamig na ang ‘word war’ nina Annabelle Rama at Sarah Lahbati, milagro daw na magkaroon ng balikan sa relasyon nilang mag-asawa na si Richard Gutierrez.

“Wala nang balikang magaganap between Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, kasi sa ngayon ay ine-enjoy na niya ang freedom na kanyang natamo. Nagagawa na niya ang gusto niyang gawin, wala nang pressure sa kanyang buhay at wala nang magbabawal sa mga gusto niyang gawin.

“Sa ngayon kaya na niyang mag-survive, hindi na siya nakadepende sa asawa niyang isang Mama’s boy.

“Tungkol sa mga anak nila, co-parenting ang setup nilang dalawa. Hindi maramot si Sarah, payag siyang makasama ng dalawang anak niya ang kanilang Daddy. “Iyong tungkol sa annulment nilang mag-asawa, wala pang balita kung nag-file na si Sarah Labhati o baka hindi na niya ituloy. Antabayanan na lang muna natin,” chika pa ng aking source.