May 8, 2024

ERIK SPOELSTRA MAY $120-M 8-TAON EXTENSION SA MIAMI HEAT

Nagtala ng record sa kasaysayan ng NBA ang pagpapalawig sa kontrata ni Filipino-American coach Erik Spoelstra sa koponang Miami Heat.

Pumirma umano ito ng record-breaking deal na $120 milyon para sa walong taon na pagiging coach ng Heat.

Ito na ang itinuturing na pinakamalaking kontrata para sa isang head coach hindi lamang sa NBA at maging sa North American sports.

Sa average annual value ay nasa $15 milyon kada taon ang sahod ni Spoelstra na pumapangalawa lamang kay San Antonio Spurs coach Gregg Popovich na kumikita ng $19 milyon.

Ang 53-anyos na si Spoelsstar ay pang-19th all-time sa 725 NBA coaching victories mayroon itong 725 na panalo at 506 na talo sa mahigit 15 season mula ng maging coach ng Heat noong 2008 hanggang 2009.

Siya ang naging susi para makuha ng Heat ang kampeonato noong 2012 at 2013 at nakasama sa finals ang koponan noong 2011, 2014, 2020 at 2023.

Natalo sila sa Denver Nuggets noong NBA finals ng nakaraang taon subalit bilang number 8 seeds sa Eastern Conference ay tinalo nila ang Milwaukee Bucks, New York Knicks at Boston Celtics. RON TOLENTINO