April 24, 2024

KAILA ESTRADA, PUMIRMA NA NG KONTRATA SA FOREVER KAPAMILYA NG ABS-CBN

MAG-AAPAT na taon na ngayon na Forever Kapamilya talent si Kaila Estrada, dahil sa husay niyang pagganap na kanyang ipinakita sa bagong serye niyang’Linlang’ at ‘Can’t Buy Me Love.’

“Para akong nasa ulap, masaya ako dahil andito ako ngayon sa Kapamilya TV network. Nagpapasalamat ako sa tiwalang ipinagkaloob sa akin ng ABS-CBN management, dahil dalawang serye agad ang ibinigay nila sa akin ang ‘Linlang’ at ang ‘Can’t Buy Me Love.’

“Gusto kong makatrabaho sina Ms. Jodi Sta Maria, Ms. Angelica Panganiban, Ms. Angel Locsin, Jericho Rosales, Piolo Pascual at John Lloyd Cruz. Dahil sila na ang aking mga nakalakihang mga mahuhusay na artista, kaya gusto ko silang masasamang maka-trabaho.”Masayang kwento ni Kaila Estrada.