April 24, 2024

JO BERRY, MAS PINILING MAGING ARTISTA KAYSA MAGING ABUGADO

GUSTO palang matupad ni Jo Berry ang pangarap ng kanyang ama na maging isa siyang abugado, kaya naman patuloy itong nag-aaral.

“Nakarelate ako sa bago kong project serye sa GMA 7, ang ‘Lilet Matias Attorney At Law.’ Talagang inaral ko ito at dumadalo ako sa hearing, nag-reresearch ako kaya marami naman akong natutunan.

“Trust your self, kung gusto ninyong may marating sa inyong career. Kaya nga laki ng pasasalamat ko sa GMA 7, sa tiwalang ipinagkaloob nila sa akin,” masayang kwento ni Jo Berry.