April 24, 2024

Pinagyabang ng dalawa ang kanilang engagement ring… ZANJOE MARUDO AT RIA ATAYDE, KASAL NA LANG ANG KULANG

MASAYA ang celebrity couple na sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo, dahil engaged na nga sila. Kasal na lang daw ang kulang, para mapatunayan nila ang kanilang pag-iibigan.

“Ang kasal darating daw sila doon, pero hindi naman daw sila nagmamadali. Basta ang mahalaga daw ay nagmamahalan sila, gustong ipaabot nina Zanjoe at Ria sa mga kaibigan nila na sumusuporta sa kanilang pag-iibigan ang pasasalamat at suporta sa kanilang dalawa.

“Basta ngayon pokus muna daw sila sa mga work nila, at ibayong paghahanda ang kanilang gagawin para makaipon para sa kanilang kasal,” sabi ng aking source.