May 17, 2024

Kai Sotto, nadagdagan ang height at wingspan

Kasabay ng pagtaas ng level ng kanyang paglalaro ng basketball, patuloy na tumaas pa si Kai Sotto. Ang 18-anyos na future basketball icon ay tumatangkad pa.

Katunayan, pinost pa ito ng Sotto sa kanyang social media account.

Mula sa taas na 7’2, umabot na sa 7’3 ang height ng The G League Ignite player. Mayroon siyang wingspan na 7-foot-5.

Mula noong June 2020, nagbago ang sistema sa katawan ni Sotto. Isa na ang pagdagdag ng kanyang height. Sa ngayon, nasa Disney World sa Orlando si Kai at ang Ignite.

Ito ay sa nakatakdang pagsisimula ng ka nilang kampanya para sa G League. Hindi na mahintay ni coach Brian Shaw na makatrabaho si Sotto.Kung saan, makahaharap nila ang 17 pang teams.

“I still believe that the competition he will be playing here in the bubble will be better competition than what he will be playing there,” aniya.