May 16, 2024

JINKEE PAQUIAO, HINDI FEEL PATULAN SI AGOT ISIDRO

KUNG pasosyalan lang at payamanan ang laban, walang panama itong si Agot Isidro kay Jinkee Paquiao. Halos lahat ng gawin ni Jinkee ay pinupuna nitong si Agot.

“Si Agot Isidro ang malaking patunay na kahit ilang tao na ang natulungan mo, may masasabi pa rin silang hindi maganda tungkol sa iyo dahil lang sa inggit,” ayon kay Jinkee.

Tama naman iyang tinuran ni Jinkee Pacquiao, kung tulong lang ang pag-uusapan ay talagang tumutulong sila sa kanilang mga kababayan. Hindi na lang daw niya pinapansin mga puna at bira ni Agot sa kanya, dahil kung papatulan pa niya ay wala namang kahihinatnan ang lahat.

Inggit kasi umiiral kay Agot, dahil iyong kinalalagyan ngayon ni Ms. Jinkee, ay hindi kayang abutin ito ng aktres. Sa pagtulong na lang, walang binatbat si Ms. Isidro. Kaya tama lang na huwag niyang patulan ang nasabing inggitera.