May 5, 2024

Jimmy Butler, nangako kay coach Spoelstra at president Pat Riley na bibigyan ng championship ang Miami

Bagama’t natalo sa Los Angeles Lakers sa Game 6 ng NBA finals, optimistiko pa rin si Miami Heat star Jimmy Butler.

Bigo man na masungkit ang kampeonato, nakatuon ang focus ni Butler sa 2021 season. Nangako siya kina Erik Spoelstra at Pat Riley na bibigyan ng championship ang Miami.

Humingi naman siya ng paumanhin sa mga ito dahil sa nangyari.

I told them that I’d win them one and I didn’t hold up my end of the bargain,” ani Butler  sa mga reporters pagkatapos ng Game 6.

“So that means I need to do it next year.”

Ang kailangan lang aniya ay magawang muli ng team next season ang ginawa nila sa bubble. Dapat ding mas humusay pa ang kanilang young players.

Gayunman, may problema dahil ilan sa kanilang players ay free agents na next year.Kabilang dito sina Goran Dragic, Jae Crowder, Meyers Leonard at Derrick Jones Jr.

Maaaring pakawalan sila ng Heat para sa cap space. O kaya naman, may pananatilihin pa sa mga ito sa roster.

Dahil sa karanasan, may ideya na si Butler kung papaano lusutan ang mga crucial situations.

Nariyan din ang banta ng malalakas na teams sa East next season. Kabilang ang Bucks, Raptors, Celtics at Brooklyn.