May 10, 2024

JAPAN, HINAMBALOS ANG GERMANY SA INTENSE 5-SET GAME WIN SA VOLLEYBALL WOMEN’S NATIONS LEAGUE

Nakaalpas ang Japan kontra Germany sa FIVB Volleyball Women’s Nations League (VNL) Week 1 Round 1 sa 5 sets. Kinaldag ng una ang huli sa intense game, 25-27, 23-25, 25-20, 25-22, 15- 12.

Bumida sa panalo ng Japan na ang 26-anyos si Sarina Koga (3) na nagtala ng 33 points. Siya rin ang ang best attacker ng torneo na may 52 total attacks. May average siyang 26.00 avg. points sa atake at may nalikom na 55 total points sa 2 laro.

Nag-ambag naman si Inoue Arisa (10) at Ogawa Erina (25) ng tig 13 points. Sa panig naman ng Germany, nagtala si Lina Alsmeir ng 16 points. Nagdagdag naman sina Marie Scholzel at Camilla Weitzel ng tig 14 points.

Nasa second seed ang Japan na may 2-0 kartada. Habang ang Germany at nasa No.13 na may 0-1.

Ang nasabing torneo ng Top 16 powerhouse volleyball teams sa mundo ay pumalo noong Mayo 31. Magwawakas naman ito sa pangkalahatan sa Hulyo 18, 2022. Idinaos naman ang Week 1 Round 1 sa Ankara Turkey noong Mayo 31 at matatapos sa June 5.

Gayundin sa Bossier City sa Louisiana sa USA. HUnati ang sa 2 bracket ang teams na kabilang sa Pool 1 at 2.