May 20, 2024

BRAZIL, CANADA AT ITALY, PUMALO NG PANALO SA ROUND 1 NG WOMEN’S NATIONS LEAGUE 2022

Nagdiwang si Brazilian voleybelle Ana Carolina da Silva (4) matapos daigin ang Poland sa Week 1 Round 1 ng FIVB Volleyball Women’s Nations League sa Shreveport Bossier City sa Louisiana USA. ( Photo courtesy by VNL)

Angat ang Brazil, Canada at Italy sa pagkamig ng panalo sa FIVB Volleyball Women’s Nations League  (VNL) 2022 Week 1 Round 1 sa Shreveport Bossier City sa Louisiana, USA.

Pinadapa ng Brazil ang Poland sa 3 sets, 25- 23, 25-21, 25-22. Bumida sa panalo ng Brazil si Ana Carolina sa Silva na nagtala ng 7 kill blocks. Kasama na rin dito ang 3 aces.

Ganito rin ang ginawa ng Canada sa Dominican Republic sa 3 sets, 25-18, 25-15, 25-18.

Nakalusot naman ang Italy sa 4 sets kontra Belgium, 21-25, 25-19, 25-23, 25- 20. Ang Brazil ang nasa No.1 seed na may 2-0 record at nasa No.9 seed naman ang Poland (1-1).

Nasa No. 8 seed naman ang Canada na may 1-1. Habang ang Dominican Republic ay nasa No. 15 seed na may 0-2 record. Nakapuwesto naman sa No. 10 seed ang Italy na may 1-1 record. Samantalang ang Belgium ay nasa No. 14 seed na may 0-2 record.