May 19, 2024

Jaja Santiago at Ageo Medics, rumekta sa finals ng Japan V. League

Nalambat ni Pinay volleybelle Jaja Santiago at ng Saitama Ageo Medics ang ika-13 straight win. Ito ang naging daan upang pumalaot sila sa 2020-21 Japan V. League Division Cup finals.

Gayunman, hindi ito naging madali sa Ageo. Nakalusot ang team sa main tournament titlist na JT Marvelous, 25-21, 25-22, 18-25, 15-13.

Gumawa 6-foot-5 middle blocker na si Jaja ng 7 block kills, 4 spikes at 11 points sa match.

Ang laban ng 2 team ay knock-out crossover sa semifinals na idinaos sa Ota City General Gymnasium sa Tokyo.

Haharapin ng Saitama ang NEC Red Rockets sa one-game final ngayong araw sa ganap na alas 3:00 ng hapon.

Kakas anaman ang JT Marvelous sa Hisamitsu Springs para sa 3rd place o sa bronze medal. Sila rin ang first game sa laro bago ang Saitama-Red Rockets match.