May 2, 2024

IVANA ALAWI, NAGHUBAD SA 8 MILLION SUBSCRIBERS

KINARIR talaga ni Ivana Alawi, ang kanyang blog sa YouTube. Kaya naman bawat ina-up load niyang video ay talagang nagugustuhan ng kanyang followers.

Ngayon nga ay umabot na sa 8 millions ang kanyang subscribers.

Hindi nga raw akalain ni Ivana Alawi, na mahahabol niya ang tunay na reyna ng YouTube na si Alex Gonzaga. Ang gusto lamang niya ay may bigay ng aliw sa kanyang mga followers. Hindi rin saw siya nakikipag compete sa iba, basta siya ay pokus lang sa pag-up-load ng kanyang mga video.

Bilang regalo sa kanyang mga followers ipinasilip nito ang kanyang larawan na naka-topless sa kung saan kitang-kita ang kanyang alindog at kakinisan.

Naka-itim na pants lang si Ivana sa litrato at sapu-sapo ng kanyang mga kamay ang kanyang boobs. Kuha ito ng celebrity photographer na si BJ Pascual.

Kaya hindi malabo na umabot pa ito sa 10 milyon ang subscribers ni Ivana dahil kinakarir niya talaga ang pag-u-upload ng video na kinahuhumalingan at kinaaliwan ng madlang pipol.