May 17, 2024

DANIEL PADILLA, COLLEGE DIPLOMA MUNA ANG PRIORITY BAGO PAKASALAN SI KATHRYN BERNARDO

NGAYONG 25 years old na si Daniel Padilla, gusto niyang ituloy ang kanyang pag-aaral dahil para sa kanya ay iba ang may natapos. Plano niyang kuning kurso ay mayroong kinalaman sa technology at philosophy. Tungkol naman sa pag-aasawa ang plano niya ay bago siya umedad ng 30.

Ang pag-aartista kasi hindi pang matagalan, iba parin iyong may natapos siya. Any time na gusto niyang mag-shift sa ibang field ay madali niyang magagawa. Iba ang pananaw ni Daniel Padilla pagdating sa edukasyon, kahit sabihin pang isa siya sa artistang pinakamayaman sa Pilipinas.

Sa edad 30 gusto n’yang pakasalan si Kathryn Bernardo, tapos na siya. Tiyak sa kursong kanyang kinuha ay may diploma na siya. Marami pang plano si Daniel, kaya gusto n’yang makatapos ng college. At part din ng gusto niya ay ang maipagmalaki siya ng kanyang magiging mga anak.