May 3, 2024

IVANA ALAWI, LUMABAS ANG KAGANDAHANG LOOB MATAPOS I-PRANK NI RAFFY TULFO

NAKAKALOKA iyong ginawang prank ng ‘Raffy Tulfo in Action’ kay Ivana Alawi, pati pamilya ni Iwana ay talagang kanilang kinasabwat magkaroon lang nang kaganapan ang hiling ng staff ni Sir. Raffy na kanilang i-prank ang sexy actress.

Ang frank ay ang tungkol sa biktimang si Loida Rivera, tumayong complainant na nagsumbog kay Sir. Raffy. Ang siste, pinalabas nila na expired na ang relief goods na ibinigay ni Ivana kaya’t sumakit ang mga tiyan nila at nagsusuka kuno na ipinamahagi rin sa kanilang mga kapitbahay,

Pinag-ayos sila ni Sir. Raffy, pero nagdemand si Loida ng P200,000 para pampagawa nito ng bahay. Ang offer naman ni Ivana, ipagamot siya at bigyan nang pangkabuhayan at cash huwag lamang humantong sa asunto ang lahat.

Halos bumigay na si Ivana, naiyak na lamang ito dahil hindi niya akalain na ang pagtulong niya ay hahantong sa kaso. Walang kaalam-alam si Ivana na pati ang tumatayong attorney ay kasabawat  ni Sir Raffy, kaya walang nagawa si Ivana kung hindi ituloy na lamang na kasuhan siya at handa naman siyang harapin ang lahat.

Dito lumabas iyong magandang kalooban ni Ivana Alawi, na hindi bale siyang makasuhan at handa naman niya itong harapin lahat. At kahit dumaan pa sa kaso ay kanya pa ring tutulungan si Loida. Ang ayaw niya lang ay parang ginawa siyang palabigasan ni Loida.

Hanggang naantig na ang puso ni Sir Raffy na umamin na prank lang ang lahat.

Lumutang ang kadakilaan ng puso, pagiging makatao at maka-Diyos ni Ivana Alawi dahil sa prank ni Sir Raffy sa kanya na hinangaan ng lahat.

Ang nasabing prank ay inyong mapapanood sa Raffy Tulfo in Action na may titulong, Ivana Alawi, napaiyak ni Idol Raffy. Ito ang prank na parang totoo!