May 2, 2024

IVANA ALAWI, KITA SA YOUTUBE IPINAMUDMOD BILANG TULONG AT AYUDA

Masaya si Ivana Alawi dahil umabot na sa 13 million subcribers ang kanyang YouTube channel. Patunay ito na patuloy talaga siyang sinusuportahan nang kanyang mga followers sa YouTube.

Kaya naman ibinahagi ni Ivana, ang kita niya sa YouTube bilang tulong at ayuda sa mga taong nangangailangan ng tulong.

Siya mismo ang nangasiwa nang tulong o ayuda, bali 1,300 grocery at 5 kilos na bigas at cash na 1k ang kanyang mga ipinamahagi.

Nagluto rin sila ng pork-chicken adobo at kanila itong ipinamigay bilang packs meal sa mga taong ginawang bahay ang bangketa.

Masaya ang kampo ni Ivana, dahil halos lahat sila ay gumagawa sa kanilang mga tungkulin para makatulong.

Tanong ko lang, kailan kaya kaming mga Press people na mabahagian niya nang kanyang tulong?

Sana huwag siyang makalimot na tulungan din ang mga Press people na gaya namin.

MATT GARCIA