May 21, 2024

Ika- 14 at 15 gold medal, nasipa ni PH karateka James De los Santos sa 2 online tilt

‘God is great! 14th and 15th golds in one day,” ito pahayag ni Pinoy karateka James De los Santos sa kanyang social media account.

Ito’y matapos na masipa niya ika-14 gold medal niya sa sinalihang torneo. Kabilang na rito ang 1st Euro Grand Prix eTournament. Gayundin ang E-Karate Game 2020 #2.

Tinalo ni De los Santos si Silvio Cerone- Biagoni ng South Africa sa final round, 24.6-24.3 gamit ang Unsu sa Euro Grand Prix.

Bago nito, dinaig niya muna si Kevin Petry ng Luxembourg, 24-22.6 sa quarterfinals. Gayundin si Matias Moreno Domont ng Switzerland, 24.4-23.6 sa semifinals.

Pagdating naman sa E-Karate 2020, nakasipa muli ng gold ang 2-time ISKF World Champion. Tinalo nito si Alves Murillo sa Shotokan style, 24.3-23.

Bukod kay James, nakamig din gold medal ang kanyang teammates na sina Julia Ian Marcos at Fatima A-Isha Hamsain.

Nasungkit ni Marcos ang second straight gold matapos dominahin ang Euro Grand Prix female U-21. Dinaig nito si Keira Sanft ng Australia sa finals.

Nakuha naman ni Hamsain ang gold medal sa female U-16 sa e-Karate Games 2nd edition. Tinalo nito  si Giselle Janse Van Rensburg ng Denmark.