May 14, 2024

Smuggled na asukal nasabat ng BOC

IPINAKITA nina Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, CIIS Director Jeoffrey Tacio and MICP-CIIS Chief Alvin Enciso ang mga nasabat nilang smuggled na asukal sa Manila International Container Port (MICP) sa Parola, Tondo.

Ayon kay Ruiz, nagmula ang mga nasabing asukal sa bansang Thailand kung saan wala itong kaukulang dokumento.

Aniya, nasa 76 container na may kabuuang 1,906 metric tons ng asukal ang nasabat ng kanilang mga tauhan at sasampahan ng kasong Agri Smuggling at paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.