May 3, 2024

Houston Rockets, pinasabog ng Portland TrailBlazers

LOS ANGELES (AFP) – Naibuslo ni CJ McCollum ang three-pointer sa nalalabing 6.9 seconds sa crucial na laban.

Kaya naman, pinasabog ng Portland TrailBlazers ang Houston Rockets, 128-126 sa overtime.

Nagtala si McCollum ng 44 points. Gayundin ang career-high na nine three-pointers. Nagdagdag naman si Damian Lillard ng 32 points.

Naglista naman para sa Rockets si James Harden ng 44 points at 17 assists. Nag-ambag naman si center Christian Wood ng 31 points.

Naglaro ang Houston na may 9 players, above sa NBA minimum of eight. Nagpositibo kasi sa COVID-19 ang 2 sa players nito.

Nalista namang unavailable dahil sa health at safety protocols. Nagkaroon kasi close contacts sa mga nagka-virus.