May 5, 2024

HIPOKRITONG MAKABAYAN KUNO

BINALATAN nang husto ni PDigong ang isang lider ng  pulahan na  nakamaskarang Mambabatas ng masa pero namumuhay nang mariwasa  sa Kalunsuran habang ang mga tauhang nasa bundok ay mapaka-miserable nang kalagayan.

    Itong syetaeng ‘to na  dati ay sa kalye lang ang parliyamento na umangat sa  plenaryo dahil sa paglikha ng  Party List ng mga epalitiko noong may sariling interes dahil sa totoo lang ay wala naman silang kinakatawang sektor ng lipunan kundi iyong  mga radikal na gustong ibagsak ang pamahalaan. Sa pamamagitan ng arm stuggle na 52 anyos na , pagiging bandido sa pangungulimbat ng ari-arian at kumikitil ng buhay ng mga inosente sa kanayunan ang kanilang hinahasik para katakutan ng Sambayanan( noon iyon).

    Sila iyong mga teroristang  nangingikil ng revolutionary tax ng mga mamumuhunan sa rural areas para  prutektahan sila sa   mga mangungulimbat mula sa kanilang hanay mismo.

   Ang mga hukbo nila ay naglulungga sa bundok na mistulang mga daga na kapag nakatiyempo ay aatake sa kabayanan para magnakaw ng pagkain na ang panakot ay ang kanilang armas na suplay ng kanilang mga buhay hari sa mga lungsod( armas lang ang supply at walang pagkain , gamot at kasuotan)

  Kapag nasukol sila sa engkuwentro kontra kawal ng pamahalaan ay walang mapapala ang mga nalagas kundi iwan sila sa kawalan at idedeklara sila ng mga animal na pinuno nila bilang bayani ng  bayan na nagbuwis ng buhay dahil sa pakikibaka ( saan?).

  Dapat nang magising sa katotohanan ang mga namumundok na ginagamit lang sila ng mga hangal na naihalal (daw) nila bilang legal front ng underground  movement na iligal na ngayon dahil bistado na sila at isinusuka ng taumbayanan.

     Habang ang pinunong  nabilog sila nang matagal na panahon ay sarap- buhay sa Europa at malayo sa disgrasya habang mga alagad nito na nakasalamuha sa alta sosyedad ng siyudad ay  buhay konyo at nakapagpapaaral ng anak na maluho sa Europa din na kahit paano kuwentahin ay di kakayaning ng isang Kongresistang kupal  kung suweldo niya lang  ang itatapal.

  Saan manggagaling iyon? Eh di sa mga nakukulimbat sa Kanayunan ng mga armadong  bandido na akyat baba ng bundok at lakad.takbo sa kapatagan dahil ni wala silang  suplay na sasakyan.

   Buwis buhay sila sa pangongotong ng rebolusyonayong buwis( para sa kanilang mga hipokritong pinunong bundat habang sila ay buto’t balat sa gutom at di man makatikim ng sarap ng modernong teknolohiya ng buhay.

  Gising na kayo habang may panahon pa sa inyong buhay na napagkaitan  ng riwasa at balikan ang masayang  mga sandali kapiling ang mga mahal sa buhay.Tapusin ang panggagamit ng mga animal na radikal na lider at hipokritong

 sarataengsyet na nagkamal  para sa  sariling marangyang kabuhayan  tulad ng kanilang demonyong panginoon of all ‘sison….ABANGAN!