May 4, 2024

HONTIVEROS NAMAHAGI NG TULONG, NAKIPAG-DAYALOGO SA MINDORO FARMERS

PERSONAL na nagtungo si Senator Risa Hontiveros sa Naujan, Oriental Mindoro para mamahagi ng ayuda sa mga residente at magsasaka na nahirapang makayanan ang pagkalugi dulot ng kamakailan lang na pagbaha.

Nakipagdayalogo rin si Hontiveros sa mga magsasaka sa Naujan noong Huwebes, kung saan nagdeklara ang local government ng state calamity.

“Bugbog na bugbog ang mga magsasaka. P77.8 million worth of harvest ang nawala sa kanila, nawalan pa sila ng bahay, at patuloy silang tinatamaan ng mataas na presyo ng mga bilihin. Sa kabila nito, pababa pa ng pababa ang presyo ng palay, at sabi nila, hindi na angkop ang kita nila dito sa pang araw-araw na pamumuhay nila,” saad niya.

“Triple whammy ito, kumbaga. Nasalanta na nga ang tahanan nila, wasak pa ang kanilang pananim, at ang taas pa ng presyo ng bilihin. Inaasahan sana nilang makakabawi sila pagkatapos ng Bagong Taon, pero marami sa kanila, tila lalong mababaon sa utang dahil sa pagbahang ito. Kailangan ang mabilisang pagtugon ng DA dito sa Naujan,” giit pa nito.

Ayon pa sa senadora, kailangan ng Department of Agriculture (DA), Department of Environment and Natural Resources (DENR), at Department of Public Works and Highways (DPWH) na agad mag-collaborate upang humanap ng pangmatagalang solusyon sa pmamagitan ng flood control projects kaugnay sa mga pagbaha sa mga sakahan.

“We know the floods will keep on coming. Not just here in Naujan, but across the agricultural areas. Nakakalungkot na mismong mga magsasaka natin ang hindi makakain nang maayos. The DA, DENR and DPWH need to collaborate to control these floods to prevent this cruel cycle from happening over and over again. We will ask them to release a plan for this,” aniya.

“Ang daming long term issues din dito. Ang taas ng presyo para sa abono nila, at ang baba ng kita. Paulit-ulit ang mga baha. Walang assistance for essential irrigation systems kahit big time agriculture producer sila. Ang voucher system para sa ayuda ay problema rin dahil may sinusumbong sa amin na diumano na favoritism at limitado ang paggamit sa iilang suppliers. Clearly, there is so much work that the DA needs to do,” dagdag pa nito.

Ang Naujan ay ang rice granary sa Mindoro Oriental. Ayon sa report, nakaranas sila ng pagbaha magmula noong Nobyembre.

“Food Basket of MIMAROPA ang Oriental Mindoro, kaya hindi lang ito problema ng Naujan. Pinapakain nila tayo, tapos sila pa ang tinamaan ng unos. Wag nating hintaying huminto na lang sila sa pagtatanim ng palay o lumipat sa iba pang pagkakakitaan dahil sa hirap ng buhay,” wika niya “Imbes na baratin at isnabin, bigyang buhay natin ang industriya ng pagsasaka. Habang wala pang DA secretary, mapaunlad dapat ng administrasyon ang buong sektor. Nananawagan akong muli sa DA at kay Presidente, kailangan ng ating mga kababayan ang inyong mabilis na aksyon, lalo na sa panahon ng resesyon. We expect the DA to act quickly,” pagtatapos ni Hontiveros.