May 3, 2024

HIDILYN DIAZ AT FIANCE, BALAK GAWIN ANG KASAL SA BAGUIO, SA EUROPE NAMAN ANG HONEYMOON

Inihayag ni Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz ang ilang details sa plano nilang kasal ng kanyang fiance na si Julius Naranjo. Gayunman, di niya sinabing lahat ng info maliban sa kung saan sila ikakasal at saan ang honeymoon.


Aniya, gusto nila ang simple wedding lang sa Mount Costa sa Baguio. Gagawin naman ang honeymoon sa Europe. Gusto rin niya kapag nagkaanak sila ay 2 lang. Isang lalaki at isang babae. Pero, gusto ng kanyang fiance ang 6 na lalaki.


We’re planning a simple private wedding in Mount Costa in Baguio. The place doesn’t really matter as long as God is there and our loved ones,” ani Diaz.