Bumagsak sa panibagong record low ang piso ng Pilipinas matapos nitong lagpasan ang P62 laban sa dolyar ng Estados Unidos ngayong Biyernes ng umaga.
Nagbukas ang palitan sa P62.05 bawat dolyar bago bumaba sa intraday low na P62.25. Nalagpasan nito ang dating all-time low na P61.995 na naitala noong Agosto 19.
Nangyari ang pagbaba ng halaga ng piso kasunod ng pagtaas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng policy rate nito ng 25 basis points (quarter-point) upang umabot sa 5 porsiyento. Ayon sa BSP, ang hakbang na ito ay isang preemptive move laban sa mga banta ng inflation sa bansa.
Bago ito, naitala na noong Hwebes ang record closing low ng piso sa P61.888 bawat dolyar—na bumaba ng 23.8 centavos mula sa dating rekord na P61.847 noong Hulyo 24.
