May 4, 2024

Gordon Hayward, maglalaro sa East finals, pero hindi sa Game 1

Maglalaro sa East finals si Boston Celtics forward Gordon Hayward. Pero, hindi sa Game 1.

Hindi nakasama sa practice si Hayward para sa paghahanda ng team kontra Miami Heat. Matatandaang nagdusa sa grade II ankle sprain si Harward noong playoffs.

Mula rito, hindi na siya nakalaro. Ang timeline sa recovery nito ay 30 days. Pagkatapos nito, maaari nang bumalik sa laro ang forward.

Ayon kay Celtics coach Brad Stevens, malaki ang maitutulong ni Hayward sa team. Isa aniya itong versatile player, lalo na sa opensa.May masasandalang option ang Celtics sa offense, katuwang nina Jason Tatum, Jaylen Brown at Kemba Walker.

Gayunman, hindi pa malinaw kung kelan ang return date ni Hayward. Pero, inaasahan ng Boston na makalalaro ito sa serye kontra Miami.

Ang best-of-seven series East Finals Game 1 ay magsisimula bukas, alas 6:30 ng gabi sa Orlando( Tuesday/ East time); araw ng Miyerkules (PH time).