May 19, 2024

BELA PADILLA, NILINAW NA WALANG BALIKANG NAGANAP SA KANILA NI NEIL ARCE

PINABULAANAN ni Bela Padilla ang mga kumakalat na tsismis na nagkabalikan sila ni Neil Arce. Nagulat na lamang si Bela, dahil hinusgahan na agad siya ng madlang pipol na wala naman siyang alam. Pinabulaanan din ng actress na wala siyang inahas at never daw niya ito nagawa.

Simula raw nang maghiwalay sila ni Neil Arce, nagkakausap lamang sila kung may project silang gagawin. Huwag daw siyang idamay sa isyu, dahil wala talaga siyang alam at never niyang tangkain na maging isang ahas sa kaibigan.

Pakiusap nga niya, sana raw bago sila maniwala ay alamin muna kung ano ang totoo dahil masakit ang madamay sa intrigang hindi naman daw niya ginawa.