May 5, 2024

GOLDEN STATE WARRIORS, TINAGA ANG GRIZZLIES SA GAME 1

Nakatakas ang Golden State Warriors sa nakatakdang paglapa ng Memphis Grizzlies sa NBA playoffs semis. Tinaga ng GSW ang Grizzlies, 117-116 sa intense Game 1 ng West Round 2. Bumira si Jordan Poole ng 31 points, 9 assists at 8 boards sa ‘Dub City’.

Kumana naman si Steph Curry ng 24 points, 4 assists at 3 boards. Sa panig naman ng Memphis, bumuslo si Jah Morant ng 34 points, 10 boards at 9 assists. Habang si Jaren Jackson Jr ay lumagare ng 33 points at 10 rebounds.

Kapwa di nagpaiwan ang bawat teams sa laro. Kung umuupensa ang isa, may sagot din ang kabila. Maganda rin ang depensa nila. Pero, mas kuminang ang small ball line-up ng Warriors. Na-eject naman sa laro si Draymound Green dahil sa flagrant foul call.

Ngunit, hindi ito nakaapekto sa diskarte ng Warriors. Sa mga huling minuto, lamang ang Warriors ng 6 points, 103-97. Pero, nahabol ito ng Memphis at natabla ang iskor sa 114-114 all.

Naisalpak ni Morant ang salaksak kaya lumamang ang Grizzlies. Humigpit pa ang depensa ng bawat isa. Pero, naipukol ni Klay Thompson ang tres, 117-116. Nabigo naman si Morant na maipasok ang lay-up sa last seconds.