May 1, 2024

CHRIS PAUL NG PHOENIX SUNS, NAG-INVEST SA INDIAN PREMIER LEAGUE CRICKET

Nag-invest si Chris Paul ng Phoenix Suns sa Indian Premier League cricket sa team ng Rajasthan Royals. Katambal niya rito sina American football playes Larry Fitzgerald at Kelvin Beachum.

Ito ay bahagi ng pag-expand ng most valuable cricket tourney sa 10 teams. Kasama na rito ang pagkakaroon ng bagong franchises na Gujarat Titans at Lucknow Super Giants. Nagbayad ang dalawang team ng mahigit sa $1.6 billion upang makapasok sa liga.

Sina Paul at ang dalawa pang atleta ay magiging minority investors ng Royals. Na nanalo sa inaugural edition ng Twenty20 tournament noong 2008. Ito ay sa ilalim ni Australian legend Shane Warne.

Hindi naman tinukoy kung magkano ang pinaluwal na halaga nina Paul.

We are extremely pleased to have Chris, Larry and Kelvin join us as investors. Who have seen the vision of the Royals as a truly global brand,” saad Rajasthan’s lead owner Manoj Badale.