May 17, 2024

GLYDEL MERCADO, HUHUSGAHAN SA ‘SANA MULING MAKAPILING’NGAYONG SABADO SA EPISODE NG ‘MAGPAKAILANMAN’

MARAMI ang nagtatanong sa inyong lingkod, kung ano raw ang sikreto ni Glydel Mercado at naibigay sa kanya ang opening salbo ng episode ng ‘Magpakailanman?’ Dahil heavy drama ang inyong mapapanood ngayong Sabado January 6, 2024. Bakit ganoon na lang ang tiwala ng GMA Kapuso Network?

“Narito ang sagot ng inyong lingkod. Una, may mahusay siyang manager sa katauhan ni Manay Lolit Solis na nangangalaga sa kanyang showbiz career.

“Pangalawa, may angking talento si Ms. Glydel Mercado na kanyang puhunan sa anumang laban sa kanyang showbiz career. Wala siyang pride, iinggit kaya naman magaang ang takbo ng kanyang career sa kanyang buhay.

“Pangatlo, siya ay maka-dios kaya naman kahit sa trabaho ay dala niya ang pagiging mabait sa kanyang kapwa at mahusay rin siyang makisama at mapagpasensiya.

“Pang-apat, may dedikasyon sa kanyang trabaho. Kaya matiwasay niyang natatapos ang lahat ng mga projects na kanyang natatanguan.

“Sa #MPK: Sana Muling Makapiling, mahusay niyang nagampanan ang role ng isang Ina na napilitang ibenta ang kanyang sanggol para maipagamot lamang ang kanyang asawa na nasa bingit ng kamatayan.

“Panoorin natin si Glydel Mercado, tayo’y kanyang paiiyakin sa kanyang mga makahabag damdamin pagganap mamayang 8pm sa #MPK.’ Naka-livestream din ito nang sabay sa official YouTube channel at website ng GMA Network.” Manood po tayo!